Tagalog1

ANG TUNAY NA DAAN PATUNGO SA LANGIT

$0.04

Malinaw na paliwanag kung paano si Jesus ang tanging daan sa kaligtasan, hindi simbahan o gawa.

0.00 reviews
Login to rate

Quantity

01

Shipping Cost: $0.00

TagalogTractsForeign Tracts

ANG TUNAY NA DAAN PATUNGO SA LANGIT


Sumagot si Jesus:

“AKO ANG DAAN…
walang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan Ko”
(Juan 14:6)


Aling simbahan ang makapagliligtas sa akin?

Walang simbahan na makapagliligtas sa iyo.
Inaakay ka lamang ng simbahan sa ISANG makapagliligtas sa iyo.


Kung gayon, sino ang makapagliligtas sa akin?

Si Jesus!
Siya lamang ang makapagliligtas sa iyo sa kasalanan.

“Ang pangalang itatawag mo sa Kanya’y Jesus;
sapagka’t ililigtas Niya ang Kanyang Bayan sa kanilang mga kasalanan”
(Mateo 1:21)

“Ipinagtatagubilin ng Dios ang Kanyang pag–ibig sa atin,
na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin”
(Roma 5:8)


Wala bang ibang daan patungo sa langit?

“Sa kanino mang iba ay walang kaligtasan:
sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit,
na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas”
(Mga Gawa 4:12)


Nguni’t ako’y anak ng mga taong maka–Dios.

Sumagot si Jesus:

“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo,
maliban na ang tao’y ipanganak na muli,
ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios”
(Juan 3:3)


Bakit kailangan na ang isang makasalanan ay ipanganak na muli?

“Ang ipinanganak ng laman ay laman nga”
(Juan 3:6)

“Ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios”
(1 Corinto 15:50)

“Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu,
ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios”
(Juan 3:5)


Paano ako maaaring ipanganak na muli?

“Mangagsisi kayo, at mangagpabautismo sa pangalan ni Jesukristo
sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan”
(Mga Gawa 2:38)

“Lisanin ng masama ang kanyang lakad,
at ng liko ang kanyang mga pag–iisip;
at manumbalik siya sa Panginoon …
sapagka’t Siya’y magpapatawad ng sagana”
(Isaias 55:7)


Subalit ang mga kasalanan ko ay lubhang napakasasama.

“Magsiparito kayo ngayon …
bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula,
ay magiging mapuputi na parang niebe;
bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula,
ay magiging parang balahibo ng tupa”
(Isaias 1:18)


Baka isumbat na muli sa akin ang mga kasalanan ko.

“Aking ipatatawad ang kanilang kasamaan,
at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin”
(Jeremias 31:34)


Paano ko matatagpuan si Jesus?

“Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso,
at inililigtas ang mga may pagsisising diwa”
(Awit 34:18)

“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang Siya’y masusumpungan”
(Isaias 55:6)


Makikinig ba Siya kung ako’y tatawag sa Kanya?

“Siya’t tatawag sa Akin, at sasagutin Ko siya;
Ako’y sasa kanya sa kabagabagan.
Aking ililigtas siya …
at ipakikita Ko sa kanya ang Aking pagliligtas”
(Awit 91:15–16)


Natitiyak mo bang ako’y tatanggapin ni Jesus?

Sinabi ni Jesus,
“Ang lumalapit sa Akin ay hindi Ko itataboy”
(Juan 6:37)


Panalangin ng Pagsisisi:

Amang Banal, ako po ay lumalapit
ng may pagpapakumbaba sa Inyong harapan
at humihingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan.

Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking buhay
upang Siya na ang manguna at magmay-ari nito
sapagkat sa Kanya lamang may buhay na walang hanggan.

Marami pong salamat.
Ito po ang aking panalangin
sa pangalan ni Hesus. Amen.


Related Products

What is the Truth?

What is the Truth?

The Weight of SIN

The Weight of SIN

Do you know the Humble King?

Do you know the Humble King?

How To Know GOD

How To Know GOD

Do you know your ENEMIES?

Do you know your ENEMIES?

KARMA versus KRUPA

KARMA versus KRUPA

Do You Know the Messiah?

Do You Know the Messiah?

Jewish Discovery of a Lifetime

Jewish Discovery of a Lifetime

Why Believe It?

Why Believe It?

When should you think about CHRIST?

When should you think about CHRIST?

When God Knows Your Your Name

When God Knows Your Your Name

What's Life?

What's Life?

U-Turn

U-Turn

Trapped!

Trapped!

Those Guilty Stains

Those Guilty Stains

THIS THING WORKS!

THIS THING WORKS!

They Gambled and Lost! Will You?

They Gambled and Lost! Will You?

The Problem with Patty

The Problem with Patty

I’m Here for a Good Time

I’m Here for a Good Time

The You Don't Know Yet

The You Don't Know Yet

We use cookies

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. For more information on how we use cookies, please see out cookie policy. Cookie Policy