Tagalog2

Paniwalaan Mo O Hindi Ito Ay Totoo

$0.04

Ang kaligtasan ng iyong kaluluwa ay pinakamahalaga. Alamin kung paano si Hesus lang ang daan sa buhay na walang hanggan.

0.00 reviews
Login to rate

Quantity

01

Shipping Cost: $0.00

TagalogTractsForeign Tracts

Paniwalaan Mo O Hindi Ito Ay Totoo

TOTOO NA -

Walang pinakamahalaga sa daigdig kundi and katigtasan ng iyong kaluluwa!


“Sapagka’t ano ang mapapakinabang ng

tao, na makamtan ang buong sanlibutan, at

mapapahamak ang kanyang buhay? Sapag-

kat ano ang ibibigay ng tao na katumbas ng

kanyang buhay?” (Marcos 8:36-37).


Wala sa iyong mga nagawa 0 magagawa

ang makapagliligtas sa inyong kaluluwa!


“Sapagka’t sa biyaya kayo nangaligtas sa

pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y

hindi sa iyong sarili, ito’'y kaloob ng Diyos;

hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang

ang sinuman ay huwag magmapuri” (Efeso

2:8-9).


Sa iyong mga kasalanan ay pinapagbayad

ng Diyos ang anak Niyang walang sala

upang maligtas ang iyong kaluluwa!


“Yaong hindi nakakakilala ng kasalanan ay

kaniyang inaring may sala dahil sa atin;



upang tayo sa kanya’y maging katwiran ng

Diyos” (2 Corinto 5:21).


“Na Siya rin ang nagdala ng ating mga

kasalanan sa Kaniyang katawan sa ibabaw ng

kahoy, upang pagkamatay natin sa mga

kasalanan, ay mangabuhay kayo sa katwiran;

na dahil sa Kanyang mga sugat ay nangagsi-

galing kayo” (1 Pedro 2:24).


Iniaalok sa iyo ng Diyos ang walang bayad

at walang hanggang kaligtasan!


“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay

kamatayan; datapwa’t ang kaloob na walang

bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan

kay Kristo Hesus na Panginoon natin” (Roma

6:23).


Kung hindi ka mananalig sa Panginoong

Hesukristo bilang iyong tagapagligtas ay

nagkakasala ka ng mabigat ayon sa Bibliya!


“Ang sumasampalataya sa Kaniya ay hindi

hinahatulan; ang hindi sumampalataya ay

hinatulan na sapagka’t hindi siya sumam-

palataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng

Diyos” (Juan 3:18).


Pagsisisihan mo nang walang hanggan

ang iyong pagkakamali kung hindi ka

maliligtas!


“At kayong mga pinighati ay binigyang

kasama namin ng kapahingahan sa pagpa-

pakahayag ng Panginoong Hesus mula sa lan-


git na kasama ang mga anghel ng Kaniyang

kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa

Diyos, at sa kanilang hindi nagsisitalima sa

ebanghelio ng ating Panginoong Hesus: na

siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang

hanggang kapahamakang mula sa harapan ng

Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng

Kaniyang kapangyarihan’” (2 Tesalonica 1:7-9).


Ikaw ay magiging isang bagong nilalang,

isang anak ng Diyos, kung tatanggapin mo

sa iyong puso ang Panginoong Hesus bilang

iyong tagapagligtas!


“Datapwa't ang lahat ng sa Kaniya’y nagsi-

tanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karap-

atang maging mga anak ng Diyos,

samakatuwid baga’y ang mga nagsisam-

palataya sa Kaniyang pangalan” (Juan 1:12);


“Kaya't kung ang sinuman ay na kay Kristo,

siyay bagong nilalang: ang mga dating bagay

ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging

mga bago” (2 Corinto 5: 17).


MATAPOS NA TANGGAPIN

MO ANG KALIGTASAN -


magkakaroon ka ng pagnanais na matutu-

nan ang Salita ng Diyos, pasasalamatan at

pupurihin mo ang Panginoong Hesukristo

dahil sa pag-aalay Niya ng Kaniyang buhay

sa krus bilang kabayaran ng iyong mga

kasalanan.


“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking

tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsi-

sisunod sa Akin. At sila’y binibigyan Ko ng

walang hanggang buhay; at kailanma’y hindi

sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinu-

man sa Aking mga kamay” (Juan 10:27-28).


“Sapagka’t ang salita ng krus ay kamang-

mangan sa kanila na nangangapahamak;

ngunit ito’y kapangyarihan ng Diyos sa atin

na nangaliligtas” (1 Corinto 1:18).


Panalangin ng Pagsisisi:


Amang Banal, ako po ay lumalapit ng may

pagpapakumbaba sa Inyong harapan at

humihingi ng kapatawaran sa aking mga

kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus

sa aking buhav upang Siya na ang manguna

at mag may-ari nito sapagkat sa Kanya

lamang may buhay na walang hanggan.


Marami pong salamat. Ito po ang aking

panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.


Related Products

What is the Truth?

What is the Truth?

The Weight of SIN

The Weight of SIN

Do you know the Humble King?

Do you know the Humble King?

How To Know GOD

How To Know GOD

Do you know your ENEMIES?

Do you know your ENEMIES?

KARMA versus KRUPA

KARMA versus KRUPA

Do You Know the Messiah?

Do You Know the Messiah?

Jewish Discovery of a Lifetime

Jewish Discovery of a Lifetime

Why Believe It?

Why Believe It?

When should you think about CHRIST?

When should you think about CHRIST?

When God Knows Your Your Name

When God Knows Your Your Name

What's Life?

What's Life?

U-Turn

U-Turn

Trapped!

Trapped!

Those Guilty Stains

Those Guilty Stains

THIS THING WORKS!

THIS THING WORKS!

They Gambled and Lost! Will You?

They Gambled and Lost! Will You?

The Problem with Patty

The Problem with Patty

I’m Here for a Good Time

I’m Here for a Good Time

The You Don't Know Yet

The You Don't Know Yet

We use cookies

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. For more information on how we use cookies, please see out cookie policy. Cookie Policy